How do you deal with procrastination?

How do you deal with procrastination? Let's share ideas.

​Sa 'kin coach, classmates, think/plan and do three IBMC-thingy things (max) at a specified period of time, in sequence, all related..whilst listening to Movin 'On by Yoko and the Oh No's...like today. hehe

​Music? Why? Indeed there's always a song in my head! 

And coming from a good classmate of mine...
​Here are some of the things I've done so far:
1. Admit the problem. This goes a long long long way by being honest to ourselves. Knowing that I'm easily distracted and that I tend to procrastinate has taught me about my limitations and what I can ACTUALLY do to work within them or around them.
2. Multitasking doesn't work. It takes me a while to get my brain fully into a task (ex. video editing, writing an email, planning content) and trying to do other things at once isn't effective. You only end up getting busy, but not productive.
3. The brain is a muscle, and as a human organ it eats up the most energy pound per pound. Why is this important? This means that we have a finite amount of brain power per day, it teaches us not to waste it by doing less-impactful things.
4. I've learned to simplify my day by putting this technique to work. Too many items on a check list doesn't feel natural, and if we fail to complete it, we feel like failures. Ask yourself instead: what is the MOST IMPORTANT TASK TODAY - or MITT. Then I break it down into smaller manageable chunks and do the easiest ones first.
5. Block chunks of time to do the MITT, preferably in 1 hour intervals. No distractions, SMS, wifi, browsers etc. I use the pomodoro technique here. You'll be surprised.

From Shoden of Shoot Practical Videography School​

Shoden: @dennisabad

Ang Saya Naloko Ka Na Ba

Rated PG: Patnubay ng magulang, kailangan. Nang maintindihan ng kabataan.

Weird? Hehe.

Naloko ka na ba?

Ako? Maraming beses na.

Na holdap na ako noong bata pa ako sa National Bookstore sa labas, Cubao branch po ito. Makikipagkita pa sana ako sa ka blind date ko na si
Maria Ledania Novero.

Nadukutan na ako makailang beses na. Baha pa noon, pumasok pa ako sa kumpanya. Hayon tuloy nawala ang aking pera, relo, at Nokia (3210 pa) [sigh].
Sira pa (laslas ng blade) ang aking belt bag na kay ganda sana.

Nawalan na din ako ng malaking pera. Bonus ko noon pa. Pinasok ko kasi sa Checke Checke na walang ideya, Scam na pala. Kasi nga walang
naman produktong ibenebenta [sigh]

Naglaho na din ang pera ko, PhP10K noon, sa isang kilalang photographer. Mac ang gamit nya, nakaka bilib ang thema. Maayos naman sya.
Nag-reserve ako noon. Kasi 'kala ko ikakasal na agad ako, di muna naman pala. Hayun ang reservation, na-purnada.

Ay nako [sigh] ang dami pa.

Meron isa noong nakaraan lang na malakas ang kita. Puro kasi OT ako sa pabrika. Sabi ng kuya ko "Kung wala ka din naman pala, sa Pinas ng ilang buwan o taon pa, bakit
ka mag-business pa, Na ang iba ang magtatayo, disin sana CEO ka na. Ituring mo na lang na bigay yan sa kanila. Hwag mo nang antayin ang balik nila. Kasi nga wala ka."

Kung alam mo lang ang hirap ng naloko, naholdap, nadukutan, na-isahan. Marahil madami naman tayong na-ganyan. Sa Pinas pa na ating mahal na Bayan.

Naisip ko pa noon, dugo at pawis ko iyon. Mula sa pag-aabroad pa naman yun.
Tinabi ko na lang sana sa Stocks kung may alam na ako nun.
Baka doble na siya ngayon. May pang-ebook na sana ako kahapon.
[sigh]

Bueno, sabi ko sa sarili ko pati na sa pagdarasal ko.
Di naman ako talagang nawalan ng todo.
Nailipat lang ang yaman sa kung sino.
Nasa mundo pa din naman ang materyal na mga ito.

Sabi ko pa isang umaga, ang lamig at may mist pa.
Oh Lord, Why me?
Naisip ko din naman "Why not me?"
Wala naman akong patago
Kahit nung lumabas ako sa mundong ito
Pero love na love ako ng parents ko.
Kasi ang gwapo sabi nila Ma and Dad ko.

Balik-tanaw

Sabi ko ulit isang umaga
Mainit naman ngayon at liwanag ang tangan-tangan
Oh Lord, Kayo din po naman
Ang gumawa ng Mundo't Buwan
Di naman maubos ang Earthly Yaman
Kung ako'y mabigyan ng parteng akin lang
(Actually, ibibigay ko din lang sa ibang nangangailangan)
(At itabi ko lang, na may tubo naman, dulot ng businesses at Singapore dollar yan,
ang kailangan sa pang araw-araw nami't hapag kainan.)
Malaki-laki na rin siguro ang oras
Na aking nailalaan sa bayan at sa misa twing Linggo
With Koro dahil kami'y nakanta
Boses nami'y sa Iyo lang.


Ayaw ko na sana maalala pa.
Ngunit pina-alala pa nila.
Pero hwag kang mag-alala
'Kala nila'y ako'y nawalan ng pag-asa?
'Di uy! (College graduate 'to 'no)
Lalo lang akong nagsaya
Kasi nga Nalaman ko
Kung ano ano na
Ang ibinigay ng ating Diyos Ama
Grabe na pala, ang dami na, kulang ang pahina
Pati na 'tong wala na sa 'king ala-ala
Ang sakit ng mga ginawa nila.
Nagpatawad na kasi din ako
Diplomatico daw ako tulad ng Dad ko.

Isda Para Sa Lahat

Ngayon lunch

Pag nakakain ako ng Isda, naaalala ko ang lahat
Ang tatay kong nagsasaka, nangingisda't nag-aalat

Sana lang matutuhan ko yang lahat
Nang maipa-rangal ko naman siya ng tapat

Ang sarap kasi ng isdang mong ginataan
di malangsa't di maalat.
kulang na lang kainin ko pati balat.
naaalala ko kasi si Dad,
Pag isda ang aking pang lunch.

☺

kung paano siya mangisda noon pag sila ay salat.

Too Long Gone Not A Local Anymore

What have I felt?

a prelude for a program

Was with mommy-lola, daddy-lolo, sangkong, ditse and the kids. I thought I was:

  • left out
  • Missed out
  • Too slow to adapt

After a decade, alam mo, I found out that my issues lie on the usual day to day in Metropolitan Manila. Such as:

  • Driving & Parking. Wow, culture shock ako here (pero di ko pinaaalam)! At ang parking swertihan. hehehe.
  • Movies & Jokes. Yung 4year old na isa she asked me " Tito, was the movie good? (with matching thumbs up and down pa sya..)"...I responded..."ahhh (as courtesy sa ibang nanood pa) later hija will talk about it."

Insert here: learned frequency & planned flights on 2017 & 2018 due to businesses. Alam mo ba kahit anumang nangyayari sa bayan naten, marami ang nag-iinvest? So why not ako din? Di ba? Separate topic to and link here please...

It's like oh i haven't been around for some time and now di ako makasabay?

I also found out the driving culture in Santa Cruz! Not the one I know abroad where you're courteous (be it pedestrian or motorists) at all times.

Food. Wow. If there's one thing I could always point out that is wow three times a day sumptuous food intake which I myself and my wife are not anymore used to such sizeable though generous servings. Kasi (kaming dignified este mga payatot) we eat light. We sleep with stomach half full. Next eat stop is tomorrow at 6.

Shelter. There's this another thing I need to always consider - that is space. I've to really allocate a place siguro a condominium at Edsa shall be the official hideout - to sleep, to be silent and to bathe and as a centre haybol of ours with the kids and well wishers. It does give speed, organised thoughts, & 5S! It adds on to your limitless abilities eh. The mindset is awesome eh if you set them up correctly, saves a heap of time! Pero condo, 4m! I would have decided to bite the bullet even though.

What I enjoyed the most is Davidah, Maria & Jimboy. They are what I can call jewels of my sangko and ate...And God fearing children sila ahh...which really really blessed me every time I am with them.

Mechanics. The usual things I think I have to have are: Macbook, 4G Internet, Waze (grabe to, laki help talaga), Uber, Journal, & Mastercard.

Insert here: Tourism by Ramon S.'s UTP.

What has been will always change in time-- say give it another 2-3years -- I'd have the 20year old Maria & Jim. Oh how fast the time is. (Ano kaya marami na ba akong nagawa sa buhay na 'to to serve others too? napaisip lang ako)

Ha! One more...the Peugeot sedan... it does save me from several:

  • non ID needed
  • Guard letting me in at baka daw diplomat ako (hehehe)
  • Traffic right! 🙂

This tells me that my options are only branded ones like:

  1. Peugeot
  2. Hyundai
  3. Mercedes

So not even Toyota (no offence sa mga Hapon (Japanese) kong kaibigan, haha!

All sent from my iPhone 🙂

Para kay Dad

June 18,2006

(English version below)

Note: Ala ala nagiging mahalaga kung patunguha’y pagpupuri kay Ama.

Matipid sa salita si Dad. Madalas ang aksyon lang niya ang nakikita at naaalala ko.

Magaling si Daddy sa math at skilled carpenter siya. Sayang at di nga ako masyadong nakapagmana ng kanyang skills. Tulong tulong lang ako pag may ginagawa sa bahay o anumang kuting-ting na mapaglilibangan kapag holidays. Naisip ko na bilang pag-alaala sa kanya, next year, mag-aaral ako at gagawing hobby ang carpentry.

Masasabi kong mas marami pa kaysa sa akin ang pagsisimba ng aking Daddy (kasama niya Mommy). Walang humpay kahit noon pa na nagtratrabaho pa siya (paggaling sa work, magkikita sila ni Mom) at lalo na ngayon na may lay ministerial service na siya. Di lang yun, may early Sunday morning TV Mass habit pa siya, kahit na noon pa. Iba talaga siya.

Heto lang ng di kalayuang buwan, nagtanong siya sa akin, ok ka ba dyan kahit sa Asia ka lang nag-abroad? Ok po naman ako, salamat at buti na lang po at malapit pa din ako sa inyo, tugon ko. Pwedeng umuwi. Madali.

Ang mangilan-ngilang mga bagay bagay na lagi na lang at gusto ko na nasa isipan ko tungkol kay Dad ay: pag hinguko na gamit ay swiss knife, ang kaalaman ng Narra sa hindi, martilyo at pako, pag inom ng tubig na marami pa sa walo, pagtulog at pag-gising ng maaga, pagkain ng gulay, ang paglalakad instead na mag-tricycle, malakalyong mga kamay, matipid sa damit, panonood ng movies na giyera at history, pag-iipon ng pera, ang pagiging malumanay at diplomatic, ang pagtugon at pagkanta sa Misa, at pagdarasal bago kumain at matulog.

Nakapagbibigay kasiyahan kay Dad kapag nakikita niyang sama-sama kami at nag-hahappy-happy ikanga niya. Simple lang naman at kahit panonood ng sine ng sabay-sabay ay malaking bagay na iyon sa kanya. Unknowingly pa nga, isinayaw pa niya iyon sa kasiyahan ng minsan kaming nagkita-kita sa isang mall. Marahil naisip niya ang kanyang pamilya din noon sa probinsiya.

Trabaho lang siya at inabot na niya ang dalawampung taon ng service sa parehong company hanggang mag-retire. Pulido, mabusisi, at anak-pawis – mga katangiang nakikita ko sa kanya noon – sa kumpanya o sa bahay man.

Nasabi pa niya na, noong nag-aaral pa kami, “Masuwerte kayo nag-aaral lang; ako noon kailangan magtrabaho at mag-aral.” ” Baon ko lang noon ay himaymay na mais sa aking bulsa. ” “unti-unti ko itong kinakain.”; “Lalakad ako ng pagkalayo tungo sa eskwela lang.” ” ‘Pag nagutom paguwi, aakyat ng puno ng niyog at hayun, solved na.” Sang ayon naman ako na mas madali nga ang naging pag-aaral namin kaysa kay Dad noon.

Sa panliligaw, nakapagpayo rin naman sa akin si Dad na manligaw ng maayos at tapos sa pag-aaral tulad ng pinagsumikapan niya sa amin.

Inuman? Umiinom siya pero occasionally at very seldom pa. Sigarilyo’y hindi, kasi sinusunog mo lang daw ng sabay ang iyong pera at baga. Matipid si Daddy, kasi nga laki sa sariling pagsusumikap.

Makikita mo kay Dad ang kakisigan dulot ng trabaho di tulad ng sa akin gawa lang ng ehersisyo. Mas stable ang tindig, malakas at mahaba ang endurance dahil sa lantad na pagtratrabaho bigay ng kanyang panahon.

“Mahalin mo ang Nanay mo kasi doon ka nanggaling,” ang mga kataga na baon baon ko pa po kahit ngayon. Kahit na si Daddy ay hindi showy kay Mommy noon , marahil dala na din ng kanyang katauhan at kinalakhan. Gayunpaman, alam ko na mahal niya si Mom.

Pinagsama sila ng Dyos at tamang timplang mag-asawa ang kinahinatnan. Di naman sila perfect pero sa kabuuan, masasabi kong magandang pamarisan.

Few words lang mula lagi kay Dad. Mahalin mo trabaho mo, asawa mo, pamilya mo, at ang Diyos.

Ngayon na nasa malayo na ako naisaisip ko ang mga bagay bagay na nadulot ng aking ama – trabaho, pamilya, at kasimplehan pati fulfillment sa buhay. Iyon bang kapanatagan dahil ibinibigay mo ang best mo sa pamamagitan ng lapis, papel, martilyo at pako.

Mahal ko si Dad. Ang pangalan niya ay Mang Jim.